It’s great that the first Tagalog poem I’ve read in a long while sent shivers down my spine. Kudos, Abba!

A Thousand Things

Alon
by Abba Marie Moreno

Dumating ka na parang alon
sa buhay ko:

Patuloy na nagpapatuloy,
Munting manlalakbay,
Malimit na humahalik sa
Dalampasigan ng buhay.

Nadatnan mo ako,
Sa pampang, naghihintay
Para sa mahabang takipsilim
Sa inibig kong tunay.

Ginusto kong malunod,
Oo, pero di ako makagalaw,
Kaya tumitig na lang ako
Sa mga along sumasayaw.

“Nakakainggit,”
Sambit sa aking sarili,
Na parang ang laya mo
Sa iyong pagpili,

kung saan ka pupunta.

“Hindi ko rin ba kaya?”
Malalim akong huminga
.
.
.
At dali-daliang nag-impake na!
Paalis, paalis, dito sa isla
Ng aking poot at mga luha,
Bumubulong ang mga alon: “Mangarap ka!”

Saglit akong sumabay sa’yo,
Papunta sa sumasaibayo
At doon ko nga nakita,
Na malawak pa ang mundo:
Ang saya-saya ko,
Ang saya-saya ko,
At bahagi nun ay dahil sa’yo.
(Salamat.)

Dumating ka na parang alon
sa buhay ko:

Inanod ako ng iyong sigla
At nagpadala…

View original post 129 more words

Advertisements